NAGA CITY –May checkpoints ng pulis at sundalo sa mga bulubundking bahagi ng Camarines Sur, partikular na sa entrance at exit area ng lalawigan para matiyak ang seguridad ng mga kandidato at ng mga botante na boboto ngayong araw para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.
Sila ay nakabantay para matiyak ang katahimikan sa halalan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Army Major Frank Roldan, spokesperson at head ng Division of Public Affairs Office ng 9th Infantry Division Phil Army, sinabi niya na mula pa noong September ay naka deploy na ang mga sundalo nila para sa layuning ito.
Ang checkpoints nila ay makikita sa Del Gallego, boundary ng Camarines Sur at Camarines Norte, sa Bato patungo ng Albay at maging sa mga boundary ng karagatan, sa Caramoan na malapit laman sa isla ng Catanduanes.
Hindi aniya nawala ang mga pulis at sundalo sa mga lugar na nabanggit dahilan para maging limitado rin ang galawan ng mga armadong grupo .
Sa buong rehiyon,nasa mahigit tatlong libo ang mga naka deploy na mga sundalo ayon sa opisyal.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga nasa barangay dahil nababantayan sila ng mga otoridad sa kanilang pag boto.