1.69 million Filipino abroad, kabilang sa overseas absentee voting

Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na nasa 1.69 million ang mga botanteng nasa ibang bansa ang kabilang sa overseas absentee voting (OAV) sa eleksyon ngayong taon.

Magsisimula ang OAV bukas, ika-10 ng Abril mula alas-8 ng umaga sa lahat ng foreign posts hanggang ika-9 ng Mayo.

Read More:  Malacañang orders agencies to prepare for Undas travel rush

Ayon kay Garcia, maaaring bumoto ang ating mga kababayan abroad sa pamamagitan ng liham maging ang personal voting sa mga Philippine diplomatic posts.

Read More:  Malacañang urges Sen. Bato Dela Rosa to surrender

Samantala, sinabi ng komisyon na apat lang mula sa sampung diplomatic posts ang gagamit ng automated system para sa halalan 2022. (ARGIE ERGINA)