Vaccine experts, sang-ayon sa babala ng WHO ukol sa Covid-19 surge

Inihayag ni Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani na sang-ayon sila sa babala ng World Health Organization (WHO) patungkol sa Covid-19 surge sa susunod na dalawang buwan hanggang matapos ang eleksyon.

Ayon kay Gloriani, isa umano ang eleksyon sa mga pagtitipon kung saan posibleng makasalamuha ang ilang mga virus carrier.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Samantala, pinangangambahan nila ngayon ang mababang bilang ng mga nagpapabakuna lalo na ang booster shot kaya naman panawagan nila na kumpletuhin ang bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Patuloy naman rekomendasyon ng grupo sa mga hindi pa nababakunahan na magpa-vaccine na upang makaiwas sa sakit gayong may napapabalita na namang sub-variant ng Covid-19. (ARGIE ERGINA)