𝟭𝟮 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗜𝗔𝗡𝗧 𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝟮𝟯𝗥𝗗 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗚

Nakamit ng labin-dalawang Local Government Unit sa lalawigan ng Isabela ang ang pagiging beyond compliant sa ginanap na 23rd Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence sa Disaster Risk Reduction and Humanitarian Assistance.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, kabilang sa beyond compliant ang City of Ilagan, Cauayan City, Santiago City, Cabagan, Jones, Delfin Albano, San Mateo, Ramon, Naguilian, Divilacan, Echague, at Cordon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Habang fully compliant naman ang labin-lima pang bayan sa lalawigan ng Isabela.

Ang Gawad KALASAG ay isang pagsusuri sa lahat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils kung maayos ang kanilang implentasyon ng Republic Act No. 10121 Sections 11 and 12 kabilang na ang tamang paggamit sa pondo ng Local DRRM.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mayroong 256 beyond compliant at 723 fully complian na LGU ngayong taon.