Pinangunahan ni MGen Audrey Pasia, Commander ng 5th Infantry Division ang turn-over of command ceremony sa pagitan ng outgoing at in-coming Battalion Commander ng 54th Infantry (Magilas) Battalion, pagtatalaga sa bagong Assistant Chief of Staff for Personnel, G1, at Assistant Chief of Staff for Intelligence, G2 noong Linggo sa Headquarters ng 54th Infantry (Magilas) Battalion sa Tiger Hill, Kiangan, Ifugao.
Itinalaga bilang bagong pinuno ng 54th Infantry (Magilas) Battalion si LTC Delfin Rean B.Ante ,pinalitan nito si LTC Emmanuel L.Diasen Jr na itinalaga naman bilang Assistant Chief of Staff for Personnel, G1.
Si LTC Oliver C. Logan na dating Assistant Chief of Staff for Personnel, G1 ang bagong Assistant Chief of Staff for Intelligence, G2 at pinalitan nito si LTC Glenn Esguerra GSC.
Pinuri ni MGEN Pasia si outgoing 54IB Commanding Officer, LTC DIASEN sa matagumpay na pamumuno nito sa 54IB na nagresulta sa pagkakabuwag ng KLG AMPIS at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lugar na kaniyang nasasakupan.