Lambak-Cagayan, isa sa slowest growing population sa bansa

Isa ang Lambak ng Cagayan sa slowest growing population mula sa 17 na probinsya sa bansa bagaman nakapagtala ito ng 1.39% na population growth rate.

Ipinaliwanag ni Commission on Population and Development Regional Director Theresa Soriano na nagkaroon ng pagbaba sa trend ng growth rate sa rehiyon dos ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng absolute number ng population size.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Aniya, kabilang sa tatlong contributor na tinitignan ng PSA upang makita kung tumataas o bumababa ang population growth rate ay ang births, deaths at movement o migration.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Ang pinakamalaking contributor sa rehiyon mula 2015 hanggang 2020 ay fertility at migration.

Batay naman sa 2018 National Migration survey, isa ang rehiyon sa out migration region na nangangahulugang mas marami ang lumalabas kumpara sa pumupunta rito dahil sa kakulangan ng trabaho.