2 suspek sa pagpatay at panggagahasa sa 28-anyos na PWD, arestado na

Arestado ang mga salarin sa panggagahasa at pagpatay sa isang 28 anyos na babaeng PWD sa Oas, Albay.

Ayon sa kapulisan, isang 14 anyos na menor de edad habang 20 anyos naman ang isa.

Sa tulong ng CCTV footage, nakunan ang biktima na naglalakad pauwi habang sinusundan ng mga salarin.

Nagpapasalamat naman ang naiwang pamilya sa pagkamit ng hustisya.

Kilalang parking girl sa isang tindahan ang biktima na hindi nakakarinig at nakakapagsalita.

Matatandaan, isang magsasaka ang nakarekober sa katawan ng biktima sa palayan na wala nang buhay at wala na ring saplot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *