𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔𝗖𝗘𝗣𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗔𝗧 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗣𝗨𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Naniniwala ang Commission on Population Region 2 na malaking epekto ang pagsunod sa family planning method upang matukoy ang Lambak ng Cagayan na pangatlo sa may pinakamababang population growth.

Ito ay matapos manguna ang rehiyon sa bansa sa Contraceptive Prevalent Rate batay sa National Demographic and Health Survey.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay POPCOM Regional Director Herita Macarubbo, nasa 3.72 milyon ang populasyon ng rehiyon base sa NDHS 2022 habang pinakamabilis naman umanong tumaas ang populasyon sa CALABARZON.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dagdag pa nito, makalipas ang ilang taon na pangalawa ang rehiyon sa may pinaka-maraming kaso ng teenage pregnancy ay bumaba na umano ito ngayong taon.