𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥-𝗗𝗘-𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang tatlong menor-de-edad na sangkot sa pagnanakaw sa isang establishimento sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, personal na nagtungo umano sa himpilan ng pulisya ang security guard ng naturang establishimento upang ireport ang mga gamit nitong nanakaw.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Salaysay ng security guard, nakita umano sa cctv ang pagkuha ng tatlong menor de edad sa kaniyang bag na naglalaman ng cellphone at mga dokumento.

Ayon pa sa kapulisan, isa sa mga nahuling suspek ay dati ng nasangkot sa carnapping kung saan nakumpiska pa mula rito ang Caliber 38 na baril na naglalaman ng tatlong bala.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Solano ang mga suspek para sa karagdagang dokumentasyon.

Ptuloy namang nagpaalala ang kapulisan sa publiko na agarang isangguni sa kanilang himpilan ang mga hindi-kanais nais na pangyayari sa kanilang lugar upang agaran itong maaksyunan.