Pumasa na sa Third at Final Reading ng Sanggunian Panlalawigan ng Sorsogon ang Ordinansa na nagbibigay kapangyarihan sa Pamahalaang Lalawigan para sa land expropriation o legal na pagkuha ng mg lupa na nasa palibot o maaapektuhan ng pagsasaayos ng domestic airport sa Bacon District, Sorsogon City.
Ang Provincial Ordinance No. 20-2023 ang magbibigay ng Omnibus Authority kay Sorsogon Governor Boboy Hamor na magnegotiate, tumanggap ng mga donasyon at pumirma ng Deed of Absolute Sale bilang kinatawan ng Provincial Government o kaya manguna sa expropriation proceedings ng mga ari-arian na sasakupin o maapektuhan ng pagsasaayos ng Sorsogon City Domestic Airport.
Matatandaan na nitong Mayo lamang ay natapos na ang actual structural survey na isinagawa ng Pamahalaang Lalawigan para sa mga lupain at mga bahay o site location plan na maaapektuhan ng pagsasaayos ng nasabing paliparan.
