𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗡𝗜𝗔-𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Binuksan ngayong araw, September 26, ng National Irrigation Administration – Magat Reservoir Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ang kanilang tanggapan sa bilang suporta sa KADIWA project ng pamahalaan.

Mula 8:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mananatiling bukas ang NIA-MARIIS partikular sa kanilang head office sa Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Iba’t ibang produkto mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda ang ibinida sa naturang programa kabilang na ang Irrigators Associations na mula pa sa limang Division Offices ng MARIIS.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay nito, bukod sa mga pangunahing produktong pang-agrikultura at pangingisda ay magdadala rin ang mga kasapi sa KADIWA program ng mga processed and preserved fruits at gulay, at mga produktong hango sa sinalihang livelihood trainings.