Tricycle driver sa Polangui, Albay, arestado matapos makunan ng baril at iligal na droga

LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag pa ang isang tricycle driver sa ikinasang gun buy-bust operation sa Imperial Subdivision, Brgy. Kinale, bayan ng Polangui, Albay.

Kinilala ang suspek na si Jerry Romeo Rariza Obida, 37 anyos, may asawa at residente ng Zone 2, Brgy. Sugcad ng kaparehong bayan.

Ayon sa report, pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang unit n hindi matukoy na kalibre ng short firearm, walang serial at trademark at may tatlong live ammunition, kapalit ng PHP5,000.

Nang nagkaabutan na ng item at pera, dito na dinakip ang suspek.

Sa pag-iinspeksyon ng mga otoridad, nakuha pa sa kanyang katawan ang tatlong piraso ng heat-selead laman ang hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit-kumulang 0.5 gramo na nagkakahalagang PHP3,400.

Agad itong dinala sa Polangui MPS kasama ang mga narekober na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *