Napasakamay na ng mga awtoridad ang isang hairdresser na lalaki sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation kamakalawa sa Purok 5, Brgy. Bugnay, Diadi, Nueva Vizcaya.
Hindi na pinangalanan pa ang 41-anyos na lalaking suspek kung saan narekober mula sa kaniyang pangangalaga ang maliit na pakete na naglalaman ng shabu na may tinatayang timbang na 3.2 grams at may Standard Drug Price na P21,760.
Nakuha rin mula rito ang iba pang mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang naturang hairdresser sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.