₱80K inilaang pabuya sa makakapagbigay impormasyon sa suspek sa pagpatay sa 12-anyos na babae sa Libmanan

CAMARINES SUR- Nadagdagan na ang ₱30K na inilaang pabuya sa makakapagturo sa responsible sa pagpatay sa 12-anyos na si Julieann Berzuela.

Unang nangako si Municipal Councilor Edison Marfil , inanunsyo niya ito sa nangyaring Walk for Justice nitong nagdaang Linggo. Kahapon, inanunsyo sa konseho at ng LGU pati ng PNP na may inilaan ding ₱50K si Mayor Jess Camara.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa pahayag ng PNP walang lugar sa lipunan ang mga sangkot sa krimen.  Ang nasabing krimen ay mariing kinokondena ng PNP. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Mababatid na natagpuang patay si Julieann barangay Mambulo Nuevo, ilang araw matapos na mawala pagkatapos ng pasko.