Mambabatas, isinisisi sa parehong equipment at competency issue ang nangyaring aberya sa NAIA

Binigyang diin ng isang mambabatas na ang technical issue noong New Year’s Day sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay parehong isyu umano sa equipment at competency, matapos aminin ng mga airport authorities, na ang problema sa circuit breaker ang nagdulot ng aberya.

Pagpuna ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, na kung talagang maayos ang kanilang maintenance, at pagche-check dsa mga equipment, kabilang na umano ang sources ay hindi dapat nangyari ito.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaugnay nito, kinuwestiyon din ni Castro kung bakit natagalan bago malaman ng mga otoridad na ang circuit breaker ang issue at hindi ang uninterruptible power supply (UPS) na una nang sinabi.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Samantala, nabatid din na walang sapat na mga eksperto sa CAAP para mangasiwa sa system, dahil karamihan umano sa mga top professionals ay mas gustong magtrabaho sa abroad dahil sa mataas na sahod.