₱399M halaga ng Fertilizer Discount Vouchers, ipapamahagi ng DA-4a

Mamamahagi ng fertilizer discount vouchers ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga magpapalay sa buong rehiyon para sa taong 2023. 

Ayon sa DA-CALABARZON, umaabot sa 399,459,860 ang inilaang pondo para sa Fertilizer Discount Vouchers (FDV).

Ang FDV ay isang programa na sumusuporta sa produksyon ng mga magpapalay sa pamamagitan ng pamamahagi ng vouchers na pwedeng ipambili ng pataba para masiguro ang kanilang masaganang ani.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang naturang voucher ay naglalaman ng Php 4,000.00 na maaaring ipambili ng abono ng mga magsasaka sa mga DA-accredited fertilizer merchants sa kanilang lugar.

Nasa 99, 865 ektarya ang kayang sakupin ng naturang programa.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang mga benepisyaryo ng programa ay mga magpapalay na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at National Farmers and Fisherfolk Registry System (NFFRS), at mayroong hindi bababa sa limang ektaryang sakahan para sa mga hindi miyembro ng isang cluster.

Ayon kay DA-4A Rice Program Coordinator Maricris Ite,maaaring makipag-ugnayan ang mga kwalipikadong magsasaka sa kani-kanilang City/Municipal Agriculturist Office ukol sa pamamahagi o iskedyul ng distribusyon.