๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐——๐—ฅ๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ, ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฒ/๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข

Itinaas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang presyo ng pagbili ng tuyong palay mula sa mga magsasaka sa probinsya.

Batay sa anunsyo ng PGI, mula sa dating dalawampuโ€™t limang piso sa kada kilo ng palay ay ginawa na itong P26.00 sa kada kilo.

Ang mga produktong palay na bibilhin ay kailangang mayroong 14% na Moisture Content o mas mababa pa.

Dahil dito patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga magsasaka na maaari silang magbenta ng kanilang mga aning palay sa Buying Center na nakahimpil sa NPGC White Triplex Warehouse, Barangay Sinabbaran, Echague, Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *