Pormal nang binuksan ngayong araw ng Provincial Youth Development Office (PYDO) Isabela ang online pre-registration ng Bojie-Rodito Opportunities for Education (BRO-Ed) Scholarship Application para sa 1st Semester, S.Y. 2023-2024.
Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Internal Vice President, Lider ni BRO San Isidro na si Darryl John Dagang, sinabi nito na napakalaking tulong sa kaniya at maging sa kaniyang magulang ang scholarship na binigay ng BROed kaya gayon na lamang ang kaniyang tuwa nang malamang bukas na ulit ang registration.
Kaugnay nito, kasabay ng online pre-registration ay pinangunahan din ng PYDO Isabela ang Opening and Kickoff Ceremony ng Buwan ng Kabataan na ginanap sa Gendy Sr. Hall Provincial Capitol, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Ipinakita sa publiko ang opisyal na logo ng Buwan ng Kabataan Isabela 2023 kung saan nire-representa nito ang hangarin ng mga kabataang Isabeliño sa pagkakaroon ng sustenableng mundo at maging ang kanilang dedikasyon upang gawin itong reyalidad.
Ilan nga sa mga magiging aktibidad ng Buwan ng Kabataan ay ang Youth Caravan, Dugong Kabataang Isabeliño: Bloodletting Activity, Brigada Eskwela, Gawad Ulirang Kabataan, at marami pang iba.