Mga CAFGU sa TBoli, nakatanggap ng quarterly allowance mula sa LGU

KORONADAL CITY- SINIMULAN na ng local government unit o LGU TBoli ang ang pamamahagi ng tig P 1,000 na quarterly allowance sa mga Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU Active Auxiliary sa naturang bayan.

Ito ay batay sa naipasang Municipal Ordinance No.192 series of 2022.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa datos, umabot sa 250 ang mga aktibong miyembro ng CAFGU sa TBoli na nakatalaga sa 14 na mga patrol bases, Critical Infrastructure and Investment Protection and Security Operations (IIPSO) at mga Observational Posts.

Karamihan sa mga miyembro ng CAFGU ay kabilang sa tribung Tboli at Blaan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Napag-alaman na ang tinatanggap ng mga itong subsistence allowance ay hindi sapat kung ikukumpara sa peligrong kinakaharap ng mga ito tuwing may combat operation.

Inaasahan naman na madadagdagan pa ang naturang quarterly allowance ng mga CAFGU.