𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚

Nahuli na ang isang estudyanteng sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga sa barangay Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela, kahapon, ika-11 ng Agosto.

Kinilala ang estudyante na si alyas Shaoton, 18-anyos, estudyante at residente ng nasabing lugar.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, nadakip ang suspek sa isinigawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan.

Nakumpiska mula sa suspek ang ibinebentang pakete ng hinihilang tuyong dahon ng marijuana na may timbang ng humigit-kumulang na 50 gramo nagkakahalaga ng P6,000.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002.