Malaki ang tulong ng mga community partnership sa paghahanda sa mga paaralan para sa nalalapit na pasukan sa August 29, 2023.
Ito ang inihayag ni Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan na si Dr. Cherry Ramos sa naging panayam sa kaniya ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.
Sa pinagsamang lakas aniya ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, at mga magulang ay matitiyak ang kahandaan ng mga estudyante, maging ang mga pasilidad na gagamitin sa pagbabalik-eskwela.
Nagsimula na kahapon ang implementasyon ng Brigada Eskwela ’23 kung saan tatagal ito hanggang Sabado, August 19.
Nagpasalamat naman si Dr. Ramos sa lahat ng stakeholders na nagkapit-bisig sa matagumpay na unang araw ng Brigada Eskwela.
Kaugnay nito, patuloy pa rin aniya ang paghahanap ng solusyon sa traffic management lalo na sa poblacion dahil narating na rin aniya ang Increase of enrollment sa lungsod kung saan ang estimated number of enrollees sa ngayon ay nasa 40,000 na.
Bukod pa rito, nakipag-ugnayan na rin ang SDO Cauayan sa lokal na pamahalaan ng Cauayan City patungkol naman sa kakulangan ng mga gagamiting upuan sa pasukan.
Samantala, ikinatuwa rin ng SDO Cauayan ang pagbisita ng Office of the Vice President sa kick-off program ng Brigada Eskwela kanina, August 15, sa Cauayan South Central School.
Ito aniya ang patunay na nais ng bise presidente na mabisita ang lahat ng mga paaralan sa bansa para sa “partnetship” tungo sa matatag na paaralan.