Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang lolo sa irrigation na sakop ng Brgy MH Del Pilar Alicia Isabela kaninang umaga, August 15, 2023 pasado alas otso.
Sa report ng Alicia PNP, nagtungo sa himpilan ng pulisya si Brgy. Kagawad Ernesto Sales upang ipaalam ang nakitang bangkay ng isang lalaki sa irrigation sa nasabing lugar.
Sa pagtungo ng kapulisan sa lugar ay nakita ang biktima na nakilalang si Warlito Bravo, 63 anyos na residente ng Brgy Santo Domingo Alicia Isabela.
Sa inisyal na imbestigasiyon ng Alicia PNP, huling nakita ni Arnold Bryan Garingan ang biktima na naglalakad papuntang Brgy. Hall para sana manuod ng basketball.
Inalok pa nito ng sakay dahil sa pag-aakalang nakainum ng alak subalit tumanggi ang biktima.
Isa sa mga pamangkin ng biktima ang nag-ulat na matapos magtungo sa bahay ng biktima ay hindi nito nakita kung kayat humingi na ito ng tulong sa mga barangay officials para hanapin si Warlito.
Sa kasamamaang palad, nahanap ang wala nang buhay na katawan ng biktima na palutang-lutang sa irrigation na nasasakupan ng Brgy. MHDel Pilar Alicia Isabela.