𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦-𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗧𝗪𝗣𝗕 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Inilabas na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 2 ang bagong taas sahod sa minimum wage sa lambak ng Cagayan.

Batay sa inisyu na Wage Order No. RTWPB 2-22, mayroong pagtaas na P30.00 sa sahod ng mga empleyado sa private sector.

Ang nasabing dagdag sahod ay ipatutupad sa dalawang tranches kung saan ang uang P15.00 ay magiging epektibo na sa October 16, 2023 habang sa April 1, 2024 ang karagdagang P15.00.

Samantala, epektibo naman sa October 16, 2023 ang bagong minimum monthly wage ng mga kasambahay na P5,500.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *