Isang warehouse sa Valenzuela City, tinupok ng apoy

Sumiklab ang sunog sa isang bodega sa G. Molina St. Brgy. Bagbagin, Valenzuela dahil sa hindi pa nalalamang dahilan.

Ngunit ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog kaninang bandang alas dose imedya ng tanghali.

Pagdating naman ng ala una ay agad naman ding inanunsyong nasa ikaapat na itong alarma.

Samantala, kasalukuyan pa ring inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog sa nasabing bodega.

Maalala, ayon sa datos na inilabas ng BFP tumaas ng halos 40% ang naitatalang sunog sa bansa dahil sa pagtaas ng demand ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *