Pasang Masda, umalma sa ‘usad-pagong’ na pagproseso ng fuel subsidy ng LandBank

Umalma ang isang transport group sa tila usad pagong na pagproseso ng Land Bank of the Philippines sa fuel subsidy.

Ayon kay Jojo Martin, VP ng Pasang Masda tatlong linggo ang nakalipas ngunit hanggang sa ngayon ay nanatiling sampo mula sa anim na pong hawak nilang cards pa lamang ang nalalamnan ng financial assistance.

Bukod sa usapin ng subsidiya, inihihirit naman ngayon ng grupo ang P1 provisional fare hike sa pampasaherong jeepney.

Naniniwala si Pasang Masda Pres. Obet Martin na aaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB ang kanilang hiling matapos ang labing dalwang beses na sunod-sunod na oil priice hike.

Ngayon araw nakatakda namang dinggin ang lahat ng petisyon kaugnay sa dagdag pasahe ng iba’t ibang samagan ng drivers and operators sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *