Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga motoristang sangkot sa mga insidente sa kalsada sa unang linggo ng taong 2024.
Base sa talaan na inilabas ng Cauayan BGD Command Center, mula sa unang araw ng enero hanggang sa ika-pito ay nakapagtala na sila ng siyam na insidente para sa mga drayber na walang suot na helmet.
Pumangalawa naman sa kanilang listahan ang walong insidente ng mga nahuhuling drayber na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.
Samantala, nakapagtala na rin ang command center ng dalawang motorcycle accident kung saan mayroong mga nasawi.
Muli namang nagpaalala ang BGD sa publiko na ugaliing mag-ingat sa pagmamaneho, at iwasan ang pagmamaneho ng naka-inom upang maka-iwas sa anumang disgrasya.