𝗞𝗔𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗨𝗟 𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗥𝗜

Naniniwala ang pamilya ng lalaking natagpuang patay sa kaniyang sariling bahay sa Brgy. Turayong, Cauayan City na walang nangyaring foul play sa pagkamatay nito.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang lalaki na si Orlando Liggayu, 37-anyos, isang pintor, walang asawa, at residente ng naturang barangay.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Mismong kapatid din nito na si Kennard ang naka-diskubre sa wala ng buhay na katawan ni Orlando.

Una rito, umaga pa lamang ay sinusubukan ng gisingin ni Kennard si Orlando ngunit hindi ito tumutugon hanggang sa pagsapit n gala-una ng hapon ay niyang nakahiga pa rin ang kaniyang kapatid.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Dito na nagpasya si Kennard na humingi ng tulong sa kinauukulan kung saan nakumpirma na wala nang buhay si Orlando.

Sa imbestigasyon ng Cauayan City PS, napag-alaman na mayroong epilepsy si Orlando at dati nang mayroong maintenance na gamot na natigil lamang nang nakahiligan nito na uminom ng alak.