Usaping pag-paalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, pinabulaanan ng dating spokesperson ng Duterte administration

Pinabulaanan ng dating spokesperson ni pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque ang mainit na usapin sa sinasabing may namamagitang kasunduan na ang Pilipinas at China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Atty. Roque, sinabi nito na kahit noon pang administrasyon ni Pangulong Duterte ay walang nagpagkakasunduan na alisin ang barkong nakaposisyon sa Ayungin na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Iginiit naman ni Roque na walang soberanya matatawag ang Pilipinas sa Ayungin Shoal dahil ito ay kabahagi lamang ng EEZ o mayroon lamang tayong economic right na mangalap ng tanging-yaman sa lugar.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Una rito, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuluy-tuloy ang resupply mission para sa mga sundalo na nakatalaga sa Ayungin Shoal habang nakahanda naman ang Philippine Navy (PN) na ipagpalaban ang teritoryo ng bansa at hindi nila papayagan na maalis sa West Philippine Sea (WPS) ang BRP Sierra Madre.