Nakamit ng Cauayan City ang parangal bilang ASEAN Tourism Standards Awards-ASEAN MICE Venue sa Exhibition Venue Category ngayon taon.
Ayon sa LGU-Cauayan City, kinilala dito ang Isabela Convention Center kung saan ang ASEAN Tourism Awards ay ibinibigay upang kilalanin at parangalan ang mga natatanging negosyo at destinasyon.
Ito rin ay upang mapahusay ang kalidad ng mga produkto at serbisyo sa pagsulong ng responsableng pamamahala ng turismo at mga stakeholders.
Samantala, ginawaran naman ang Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Plaque of Recognition bilang beyond compliant sa ika-23rd Gawad Kalasag Seal of Excellence.
Ang parangal ay nagpapatunay na nalagpasan ng ahensya ang pamantayan ng NDRRMC alinsunod sa Philippines Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, Republic Act No. 10121.