π—›π—œπ—šπ—œπ—§ πŸ­πŸ¬πŸ¬π—ž 𝗑𝗔 π—•π—˜π—‘π—˜π—£π—œπ—¦π—”π—₯𝗬𝗒, π—œπ—‘π—”π—”π—¦π—”π—›π—”π—‘π—š π——π—”π——π—”π—Ÿπ—’ π—•π—¨π—žπ—”π—¦ 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦ π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’ π—™π—”π—œπ—₯; π—¦π—˜π—šπ—¨π—₯π—œπ——π—”π——, π—§π—œπ—‘π—œπ—¬π—”π—ž π—‘π—š 𝗣𝗑𝗣

Tiniyak ng City of Ilagan Police Station ang seguridad at kaligtasan ng nasa 110, 000 na mga benepisaryo at iba pa na dadalo bukas sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa lunsod.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay City of Ilagan PNP Chief PLtCol Lord Wilson Adorio, nasa 383 uniformed personnel na kinabibilangan ng PNP, BJMP at Philippine Army at higit 50 na force multipliers o mga barangay tanod ang naka-deploy upang matiyak ang seguridad sa pagdadausan ng aktibidad.

Aniya, noong nakaraang linggo pa nakahanda na ang PNP at iba pang law enforcement agencies kung saan inilatag na ang security plan at rerouting scheme.

Kaugnay dito, mayroong mga marshalls ang naka-deploy upang maituro sa mga dadalo ang apat na drop-off point at mga daanang bawal pasukan.

Ang BP Serbisyo Fair ay isasagawa sa Complex at Isabela National High School kung saan karamihan sa mga serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay narito.

Pinayuhan naman ng opisyal ang mga dadalo na huwag ng magdala ng mabibigat na gamit kung tubig at pananggala na lamang sa ulan dahil inaasahan ang maulan na panahon bukas.

Nagpapatuloy naman ang Comelec checkpoint, foot patrol, mobile patrol at intelligence gathering na isinasagawa ng kapulisan upang matiyak ang isaandaang porsyentong kaligtasan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *