Buhay na langaw, natagpuan sa bituka ng isang pasyente sa Missouri

Ang langaw ay pangkaraniwang nakikita kahit saan at likas na nakagagambala kung sa oras na dumapo sa iyong kinakain.

Ang nakababahala pa rito ay hindi natin alam kung ano at saan ito nanggaling at dumapo.

Ngunit, paano na lamang kung hindi mo namalayan at wala kang kaalam-alam na nakakain ka na pala ng langaw?

Isang pasyente kasi kamakailan ang nakitaan ng mga doktor sa Missouri ng langaw sa kaniyang large intestine.

Ito’y matapos sumailalim ito sa colonoscopy at maituturing umano na isang kakaibang medical case dahil buhay pa ang langaw sa bituka ng 63-anyos na lalaki.

Nagtataka rin umano ang mga doktor dahil sa hindi umano ito natunaw sa gastric acid  sa tiyan at umabot pa sa transverse colon.

Sa ngayon, palaisipan pa rin sa mga doktor kung paano ito nangyari at ipinalathala nila ito sa The American Journal of Gastroenterology upang maging reference ng mga gastroenterologists sa hinaharap.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *