Umabot na sa P205,012 na kabuuang cost of assistance mula sa DSWD Field Office 2 ang naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Goring.
Nasa P193,598 ang naging gastos sa 275 Family Food Packs (FFPs) kung saan nabigyan ang Cagayan ng 166 FFPs at 109 FFPs sa Isabela. Nasa P9,782 naman ang halaga ng mga Non-Food Items katulad ng Hygiene at Sleeping Kit.
Nagbigay din ng Ready-to-Eat assistance ang DSWD F02 sa lalawigan ng Quirino na nagkakahalaga ng P1,632.
Kaugnay nito, batay sa talaan na inilabas ng kagawaran, pumalo na sa 3,557 na pamilya o katumbas ng 11,738 na indibidwal ang apketado sa pananalasa ng bagyo.
Sa bilang na ito, nasa 581 na pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers. Samantala, pansamantala munang nakitira ang 946 na pamilya sa kanilang mga kaanak.