𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝟱𝟰-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜

Arestado ang singkwenta’y kwatrong taong gulang na lalaki sa Cabatuan, Isabela ngayong umaga, August 29, matapos magtago ng hindi lisensiyadong baril.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang suspek na si alyas “Robin”, at residente ng Brgy San Andres ng nabanggit na lugar.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Narekober mula rito ang caliber 22 magnum black widow, Caliber 38 revolver smith and Wesson, Caliber 22 homemade riffle, 47 pcs na bala ng cal. 22 magnum, 2 pcs na bala ng cal. 22(regular), isang empty cartridge ng cal. 22 magnum, 21 pcs na bala ng cal 9mm pistol, 1 magazine at 10 pcs na bala ng cal. 5.56 riffle, 2 magazine at 24 pcs na bala ng cal. Carbine riffle, 4 pcs na bala ng cal. 38 revolver, 1 empty box ng bala ng cal. 22 magnum at 1 empty box at case ng RBCD 9mm.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Cabatuan Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.