Karaniwan sa atin ay talagang hindi na umaasang mahahanap pa ang mga bagay na nawala at suwerte na lamang kung ito’y makabalik pa.
Isang babae kasi kamakailan sa West, Virginia, USA ang nakabalik ang kaniyang wallet na nawala 55 taon na ang nakalilipas nang siya ay nasa hayskukl pa lamang.
Nawala umano ito ni Sharon Day noong siya ay 16 na taon gulang pa lamang sa Fayetteville High School sa taong 1968.
Magmula noon ay hindi na siya umasa pang mahahanap niya pa ang nasabing wallet maging ang mga laman nito.
Samantala, kamakailan, nakita umano ni Sharon ang isang social media post ng nagmamay-ari ng dati niyang paaralan kung saan, mayroon umanong mga gamit silang nahanap sa isinagawang renovation sa nasabing eskwelahan.
Agad niya rin naman umano minessage ito at laking pasasalamat niya sa contracting company na nag-abala upang hanapin ang mga may ari ng mga nawawalang gamit.
Nakuha niya rin umano ang kaniyang mga dating litrato sa loob ng wallet at sa ngayon, plano niyang ilagay ang mga ito sa photo album.###|WENCY LISAY