Tinalakay ng mga opisyal ng DA Region 2, Cordillera Administrative Region at NVAT ang mga hakbang upang mapigilan ang pagtatapon ng inaning kamatis ng mga magsasaka.
Una rito, batay sa isinagawang balidasyon ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal Inc. na ang napaulat na itinapong kamatis ay nangyari noong December 5, 2023 sa Almaguer North.
Kaugnay nito, halos 8,000 kilograms ng hindi nabentang kamatis na idineliver ng mga magsasaka sa NVAT mula sa Dulli, Ambaguio, Nueva Vizcaya at Danggo, Ifugao.
Ayon kay NVAT Manager Gilbert Cumila, 70% sa mga nasabing kamatis ay small at medium at ito’y hindi prayoridad na bilhin ng mga mamimili dahil mas patok aniya ang malalaking size ng kamatis.
Ipinunto naman ni OIC Regional Technical Director for Operations Dr. Roberto. Busania na kailangan ng inter-regional effort mula sa mga magsasaka, Local government unit at stakeholders upang mapigilan ang pagtatapon ng kamatis.
Inihayag naman ng DA Cordillera ang kanilang koordinasyon sa mga LGU upang matiyak na maibenta sa merkado ang aning kamatis ng kanilang magsasaka.
Hinikayat naman ng kagawaran ang mga magsasaka na mayroong problema sa pagbebenta ng kanilang mga produktong pang-agrikutura na makipag-ugnayan lamang sa kanila upang agaran itong matugunan.