Arestado ang isang Bus Conductor matapos ang isinagawang search warrant ng kapulisan sa Sanchez Mira, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang naaresto na si alyas Ed, 55-anyos at residente ng Ilacas St, Tokitok, Sanchez Mira, Cagayan.
Napag-alaman na si Ed ay dating miyembro ng Philippne Army.
Direktang nasamsam sa pag-iingat nito ang isang pakete ng hinihinalang shabu, lima pang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, iba pang drug paraphernalia at isang rifle grenade o pampasabog.
Humigit-kumulang pitong gramo ang timbang ng mga nakumpiskang iligal na droga kay Ed kung saan nagkakahalaga ito ng P47, 600.
Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Repablic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 9516 o Illegal possession of explosive ang naaresto.