“𝙇𝙚𝙩 𝙪𝙨 𝙛𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙛𝙖𝙞𝙩𝙝. 𝙎𝙖 𝙩𝙪𝙬𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙥𝙖𝙥𝙖𝙜𝙤𝙙 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙢𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜, 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙜𝙨𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙥𝙞𝙣𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙪𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙞𝙣𝙖𝙩𝙖𝙝𝙖𝙠 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣. 𝙍𝙚𝙢𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙥𝙪𝙧𝙥𝙤𝙨𝙚. 𝘼𝙩 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙣𝙖𝙥𝙖𝙥𝙖𝙜𝙤𝙙 𝙣𝙖, 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜𝙖. 𝙍𝙚𝙨𝙩. 𝙏𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙝𝙪𝙢𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙡𝙞𝙩. 𝙆𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙨𝙩𝙚𝙥𝙨, 𝙢𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙜-𝙪𝙨𝙖𝙙 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣—𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙣𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙤 𝙣𝙖𝙧𝙖𝙧𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢𝙖𝙣,” – 𝘾𝙖𝙗𝙧𝙚𝙧𝙖.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtala ng 17/17 graduating students with flying colors ang BS Accountancy (BSA) program ng Isabela State University Echague Campus mula sa Batch SECTOR 17 o Spearheaded Enthusiastic Class Towards Opportunity Realm.
Mula sa 226 na accountancy students noong 2019 ay mayroon na lamang 17 na natitira kung saan isa sa kanila ang magtatapos sa programa bilang Magna Cum Laude, habang ang natitirang 16 students ay magtatapos naman bilang mga Cum Laude.
Pananampalataya, sipag, at tiyaga naman ang kanilang naging puhunan upang makamit ang nasabing karangalan.
Battery examinations, at anim na semestreng mayroong retention policy ang matagumpay nilang nilagpasan kaya’t ang kanilang mga sakripisyo ay nagbunga ng napakagandang tagumpay.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Joselle Gervacio Sumalbag, ang nagi-isang Magna Cum Laude ng Batch SECTOR 17, sinabi niyang marami mang pagdududa ang kanilang nararamdaman sa nalalapit na Board Exam ay maging paalala sana ang karangalang ito na karapat-dapat sila sa lahat ng magagandang plano ng Panginoon.
Nagbigay din ng inspirational words si Terry Cabrera, BSA senior kung saan sinabi niya na sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa study habits, ay maroon silang pagkakatulad – ito ang perseverance at faith.
Nakita aniya kung paano iginapang ng bawat isa ang kanilang spot mula first year hanggang sa kasalukuyan, at kung paano naging instrumento ang Panginoon sa natanggap nilang karangalan.
Ang tagumpay ng Batch SECTOR 17 sa larangan ng academics ay isang napakagandang balita at pagpapa-alala na basta’t kasama mo Siya ay walang imposible at anumang pagsubok ang dumating ay kayang-kaya mo itong lagpasan.
Magaganap naman ang kanilang graduation ceremony ngayong ika-8 ng Agosto sa University Amphitheater ng ISU Echague.