Daan-daang residente, inilikas sa dalawang wildfire incident sa Greece

DALAWANG insidente ng wildfire sa mga bayan malapit sa Athens sa Greece ang sumiklab nitong nakaraang araw.

Bunsod ng insidente, daan-daan ang mga inilikas kasama na ang mga residente at mga bata na kasalukuyang nasa summer camp nang mangyari ang sunog.

Read More:  At least 33 killed as school roof collapses in northern Pakistan

Sa isang panayam, sinabi ng mga otoridad sa lugar na unang sumiklab ang apoy sa Kouvaras, humigit kumulang 27 km (17 miles) ang layo mula sa Southeast Greece, ngunit bunsod ng malakas na hangin ay naging mabilis rin ang pagkalat ng apoy.

Samantala tumulong ang mga kapulisan, mga bumbero at mga sundalo na ilikas ang mahigit 100 mamamayan sa mas malawak at ligtas na lugar gayundin ang sa pag-apula ng apoy.

Read More:  Trump administration revokes over 300,000 US visas amid immigration crackdown

Sa kasalukuyan, hinikayat ng Punong Ministro ng Greece ang mga mamamayan na sundin ang mga patakarang sibil lalo na’t panahon ng tag-init sa bansa.### HARLIN LUMIBAO, Intern