Patay ang isang menor-de-edad matapos ang nangyaring banggaan ng motorsiklo at sasakyan sa Barangay Roxas, Solano Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang nasawi na si Remmalyn, 15-anyos habang nasa kritikal naman na kalagayan ang drayber nito na si Brent Tristan Sobrepeña.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na tinatahak ng motorsiklo na minamaneho ni Sobrepeña kung saan backrider nito si Remmalyn ang patimog na direksyon habang sa Northeast direction naman ang SUV.
Kaugnay dito, nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay sumalpok umano ang motorsiklo sa kaliwang bahagi ng SUV dahilan ng pagtilapon ng dalawang sakay nito sa lansangan.
Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang backrider habang nasa kririkal na kalagayan naman ang drayber ng motorsiklo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing insidente.