𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗔-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang isang babaeng rider matapos bumangga ang minamanehong single motorcycle sa likuran ng sinusundang truck sa Brgy. Ambalatungan, Santiago City.

Kinilala ang nasawi na si Susan Puddog 38-anyos at residente ng Solano, Nueva Vizcaya habang kinilala naman ang tsuper ng double decker delivery truck na si Jaypee De Castro, 35-anyos na tubong Dagupan City, Pangasinan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Santiago City Police Office na kapwa patungo sa direksyon ng barangay Rizal ang motorsiklo at delivery truck kung saan nasa inner lane ang truck at outer lane naman ang motosiklo.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Iniwasan umano ng truck ang bahagi ng kalsada na under construction na nagresulta ng pagkabangga ng motorsiklo sa likurang gulong ng truck.

Dahil dito, natumba ang motorsiklo at dahil sa lakas ng pagkabagsak ay nabitak ang suot na helmet ni Puddog at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Samantala, nagawa pang i-revive ng mga rumespondeng rescuers si Puddog ngunit nasawi rin ito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang tsuper ng delivery truck at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property.