Zubiri ibinunyag na may 127,000 metric tons ng asukal sa mga warehouses ang hindi pa inilalabas

Pursigido si Senate President Juan Miguel Zubiri na maimbestigahan ang paglalabas ng Sugar Regulatory Administration ng resolusyon para makapag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sa kanyang priviledge speech sinabi ni Zubiri na duda siya kung totoong mayroong kakulangan ng asukal ngayon sa bansa.

Batay sa umano sa kanyang mga nakalap na dokumento sinabi ng senador aabot pa sa halos 127,000 metric tons ng asukal ang nasa mga bodega at hawak ng ilang mga traders.

Read More:  Senator Bato files 2 bills despite Senate absence

“Meron pa pong 126,336 metric tons in bodegas, in 40-foot containers all over Metro Manila and with the other traders. Hindi pa nila inilalabas. Bakit po nila hindi inilalabas itong asukal? Are they creating an artificial shortage?”, pahayag ni Zubiri.

Dahil dito tinanong ng senate president ang SRA kung bakit tila atat itong mag-import ng asukal gayong hindi nailalabas sa merkado nga libo-libong tonelada ng naturang produkto.

Read More:  China vessel shadows Atin Ito mission near Pag-asa Island

“Ang masama nito, gusto pa nilang magpasok, mag-import pa. They want to continue importing when we still have stocks that they haven’t released?”, dagdag pa ng senate president.

Kasabay nito ibinunyag din ni Zubiri na batay sa kanyang insider umaabot sa P50 hangang P100 ang kickback o tongpats ang nakukuha ng mga tiwaling opisyal sa DA sa kada sako ng asukal na ipinapasok sa bansa. (LEY BAG)