Ligtas na plebisito sa Calaca, Batangas cityhood, tiniyak

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Calaca, Batangas ang ligtas na plebisito sa cityhood ng naturang bayan sa darating na Setyembre 03, 2022.

Ito ang ipinaabot ni Calaca Comelec officer Jewelene Vidal kasabay sa isinagawang press conference kaugnay sa cityhood ng naturang bayan sa pangunguna ni Mayor Nas Ona.

Sa naturang presscon ay iprenisenta ang mga benepisyo at kahalagahan sa buhay ng mga Calaqueño ng pagiging ganap nitong siyudad.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ilan sa mga ito ay ang malaking pondo para sa bayan, karagdagang opisina sa pamahalaang lungsod na mas ilalapit sa mga mamamayan, malaking pondo sa sektor ng edukasyon, pagpapasok ng mga maraming mamumuhunan at maraming iba pa.

Sa darating na plebisito ay boboto ng ‘YES’ o ‘NO’ ang mga Calaqueño na magsisimula sa alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Setyembre 03.  

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Magsisimula ang bilangan ng boto mula alas-3 ng hapon hanggang sa ito ay matapos.

Ang naturang botohan ang ratipikasyon ng batas na nagtatakda ng pagiging isang component city ng bayan ng Calaca.

Ito ay batay sa Comelec Resolution No. 10799.

Nabatid na kahapon ay personal rin na dumalo si Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isinagawang command conference ng naturang plebisito.