Zelensky nakikita ang tagumpay vs Russia, pagtatapos ng giyera hindi pa masabi

Nanindigan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na umaasa sila ng tagumpay bagamat hindi niya masabi kung kailan matatapos ang giyera sa kanilang bansa na dulot ng pag-atake ng Russia.

Sa kanyang gabi-gabing video address, sinabi ni Zelensky na maraming lungsod at komunidad ang nananatiling nasa pansamantalang kontrol ng Russian army.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Ayon kay Zelensky, hindi siya kailanman nagdududa na hindi magtatagal at makakalaya din sila sa pananakot ng Russia.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Binigyang diin ng Ukrainian president na mas mapapabilis ang kanilang paglaya kapag lahat ng Ukrainian ay lumaban para sa kanilang bansa.

Sa ganitong paraan aniya mas mararamdaman ng bawat isa ang kanilang magiging kalayaan pagdating ng araw.