Zeinab, umaming ‘in a relationship’ na kay Bobby Ray Parks

Inamin ng vlogger na si Zeinab Harake na siya ‘in a relationship’ sa basketball star na si Bobby Ray Parks.

Inihayag ito ni Zeinab sa isang panayam sa kanya kung saan hindi nagdalawang-isip ang aktres na sagutin ang tanong mula sa host ng programa na si Boy Abunda.

“Yes, he’s my partner now… Natutuwa ako kasi parang hindi boyfriend ‘yung nakita ko and sana nga ‘wag mausog,” sabi ni Zeinab.

Inilarawan din ni Zeinab na mabuting tao si Ray.

“Hindi naman po ako magtitiwala agad-agad kung hindi niya rin naman in-earn ‘yun sa akin and pinatunayan niya naman na ‘yung sarili niya,” paliwanag niya.

Maaalalang naging usap-usapan ang dalawa nito lamang Mayo nang magpost ang online personality at kaibigan ni Zeinab na si Xian Gaza sa Facebook ng mga larawan ng dalawa na magkasama sa Japan. // AC