Biden, inihayag na walang tensyon sa pagitan ng US at China

Nagpahayag ng kumpiyansa si US President Joe Biden na walang nananaig na tensyon sa pagitan ng China at US matapos niyang sabihin na gusto niyang makipagpulong kay Chinese leader Xi Jinping sa hinaharap.

Ito ay matapos tawagin ni Biden si Xi na diktador at ang China bilang “real economic difficulties”.

Kinondena naman agad ito ng China, na nagkaroon ng lamat sa pagitan ng dalawang bansa, pagkatapos ng kasunduan ng Amerika at China na magkaroon ng maayos na relasyon.

Ayon kay Biden, nagkaroon ng maayos na biyahe patungong China si Secretary of State Antony Blinken matapos ang pulong nila ng Chinese leader, kung saan isa sa naging layunin nito ang maresolba ang anumang hindi pagkakaunawan at matukoy kung saan maaaring magtulungan ang dalawang bansa.

Parehong dadalo si Xi at Biden sa gaganaping G20 summit ngayong darating na Setyembre sa New Delhi at inimbitahan din ni Biden si Xi sa Nobyembre sa San Franciso kung saan pangungunahan ng US ang Asia-Pacific Economic Forum.