Zarate, hinamon ang Pangulo na maglabas ng SALN sa gitna ng ‘Pandora Papers’ leak

Hinamon ng ilang mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga opisyal ng Gabinete na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sinabi ito ni Bayan Mun party-list Rep. Carlos Zarate kasunod ng paglabas ng in-depth analysis sa tinawag na “Pandora Papers”.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ang “Pandora Papers” ay ang leak ng financial records na nagbubunyag sa assets sa offshore accounts ng mga politiko, negosyante, at celebrities sa buong bansa.

Binigyang diin ni Zarate na hindi na dapat hintayin ng mga opisyal ng Gabinete na lumabas ang pangalan nila sa Pandora Papers o sa iba pang exposé na may kinalaman sa nakatagong yaman na mga tao na tinawag niyang gahaman, makapangyarihan, mayaman, at kurap.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Ipinunto ng kongresista na kailangan ng Pangulo at ng mga kalihim na patunayan na hindi sila yumaman habang sila ay nasa posisyon.