PRRD, nagbanta na ipakukulong ang mga senador sakaling ma-cite in contempt ang Cabinet members

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong niya ang mga Senador sakaling i-contempt ng mga ito ang mga miyembro ng Gabinete.

Ito ay sa gitna ng kaniyang utos sa mga opisyal ng Executive branch na huwag dumalo sa mga poagdinig ng Senado kaugnay sa pagbili ng gobyerno sa overpriced pandemic supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa televised briefing ng Pangulo ay sinabi niya na hindi dapat pumapayag ang mga opisyal na masigaw-sigawan ni Senator Richard Gordon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ipinunto niya na dapat silang tumindig laban sa mga senador at sabihin na hindi sila mga alila nito.

Kung sakaling magresulta ito sa contempt ay sinabi ng Pangulo na siya mismo ang magpapakulong sa mga senador.