Youth Leadership Summit 2024, matagumpay na isinagawa sa Bulalacao, Oriental Mindoro

BATANGAS CITY – Matagumpay na naisagawa ang Youth Leadership Summit o YLS 2024 sa Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro noong nakaraang June 25-28, 2024.

Pinamunuan ito ng Bulalacao Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO katuwang ang Local Youth Development Office o LYDO at ang Sangguniang Kabataan.

Dumalo sa nasabing summit ang 250 na indibidwal mula sa iba’t-ibang barangay ng nasabing lungsod, kasama ang mga SK officials at representative’s ng mga youth organization.

Sinuportahan din ito ng 4th Infantry Battalion o 4IB ng Philippine Army, police officers, at mga kawani mula sa Bureau of Fire Protection o BFP.

Ang naturang programa ay naglalayong mas pagtibayin ang kakayahan ng mga lumahok sa larangan ng pamumuno at kritikal na pagtingin sa sarili at lipunan.

Samantala, tinalakay rin sa summit ang iba’t ibang usaping panlipunan na makakatulong upang mabigyang linaw ang mga kabataan sa kanilang mga responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkamit ng kaunlaran sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *