Proyekto para sa mga senior citizens, inilunsad ng lokal na pamahalaan sa Batangas.

BATANGAS CITY – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Batangas ang proyekto para sa mga senior citizen na Project Alkansya: Alalay sa mga Lolo at Lola na Ka BRAD at Nagtutulungan na Sumasagisag sa Yaman at Adbokasiya” sa mga Batangueño.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong mahikayat ang mga lolo at lola sa lungsod na makiisa sa project alkansya.

Dito ay kinakailangang makapag-ipon ng limang daang piso sa looban ng isang taon.

Dagdag pa rito, makakatanggap Din ng accident insurance benefits ang mga edad 60 hanggang 85-anyos na senior citizens.

Makakatanggap naman ng P50,000 pesos kung sakalaing bawian ng buhay ang miyembro nito at burial assistance na P5,000 pesos.

Habang maaari namang ma-reimburse ang P5,000-peso kung maaksidente at ma-ospital ang benepisyaryo.

Kasama rin sa kanilang maiipon ay mapupunta sa blood samaritan, ambulance samaritan, at mga ng City Council for the Elderly (CCE).

Samantala, mabibigyang prayoridad naman ang mga senior citizen na kabilang sa proyekto kung sakaling mangailangan ng dugo at ambulansya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *