Guidelines sa Insurance benefits para sa 4Ps beneficiaries hihintayin pa ng SSS Bicol

NAGA CITY-  Puwede nang makinabang sa insurance benefit ng Social Security System (SSS) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) matapos ang paglalagda ng kasunduan sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development  at SSS pero hindi pa ito implemented at hihintayin pa ang guidelines.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay  Queenie Joy Agsao, Regional Communication Officer ng SSS Bico, sinabing ang programa ay nasa ilalim ng AlkanSSSya Program at tatawaging “4Ps AlkanSSSya Program” o microsaving scheme para sa may mga may irregular income at mga workers sa informal sectors.

Sa ilalim nito, maglalatag ng contribution subsidy table ang SSS na angkop para sa kapasidad ng mga 4Ps beneficiaries. Magagamit nila kung sakaling magkasakit, mawalan ng kita o magraduate na sa 4Ps. Ayon kay Agsao, hindi naman ito sapilitan.

Sa lalawigan 130, 611 ang 4Ps beneficiaries at nasa 900, 694 na pamilya sa Camarines Sur, ang napabilang sa waitlisted nitong Enero 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *